Tanong sa aking isip. Ano ba ang nangyari?
Damdamin ko ay nabitin
Bigla na lang naglaho
Damdamin ay nagbago
Koda:
Umasa ang aking puso
sayo pala’y mabibigo
Ngunit bakit bigla na lang nangyari
Ako’y iniwan mong nagmamahal sayo
Bakit, lumisan at umiwas sa akin ngayon
Tuluyang nang nahulog sa’yo
Isang maling akala
Sa puso’y nagtiwala
Di ko man lamang nakita
Ikaw ba ay natakot
At puso mo’y napagod
Inakalang mahal mo rin ako
Bridge:
Masasayang araw natin
Pano ko lilimutin
**************
Composed by ate Kaye :) I don’t know but this piece caught my heart. Sakto with what I’m going through right now. LSS na rin ako because of the tune.
Whoah! This is it na talaga! Ang matagal ko nang inaabangan ay dumating na. Last stretch para maka-graduate. Nakaka-pressure at kinakabahan talaga ako! Para akong bibitayin— yan yung nafi-feel ko. Gusto kong sumigaw sa sobrang tensyon na nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Buti na lang may ice cream :) kahit papano napa-chill ako at nawala ang tensyon :)
Maraming nangyari, maraming nawala, maraming problema pero kailangan na hindi magpa-apekto. Sabi nga “set your eyes to the goal”. So yan muna dapat. Focus! Ito ang laban na kailangan kong mai-panalo. Ito ang laban para sa katuparan ng mga pangarap ko sa sarili at sa pamilya. Alam ko na kaya ko ito :) I can do all things through HIM who gives me strength! Panghahawakan ko yan.
Unang sabak ko sa giyera ay sa Dec. 9 at 16. Maikli lang ang panahon para makapaghanda pero ayun walang oras na dapat sayangin. Evals na talaga!!!!! Bye facebook, twitter at tumblr.. Wala munang internet sa sem na ito. Ready na ulit ako sa mga sleepless nights. Magbabad na ulit ako sa harap ng mahahabang problems, calculator at walang sawang iinom ng kape :))
Salamat sa mga importanteng tao na naka-dinner at lunch date ko, sa nakasama kong mag-movie marathon, nakausap ng heart to heart, nakasama sa ice skating, nakasama ko sa mahabang lakaran from Ateneo to trike terminal papuntang Tandang sora at nabisita ko ng personal. Salamat sa inyong lahat na nag-encourage sa akin na kaya ko ito. Pinili ko na makasama ko kayo kasi importante kayo sa akin. Maraming salamat! Sana hindi kayo mapagod na palakasin ang loob ko:)
Mawala man ako sa internet world at kahit sa update ng mga show sa T.V., one txt away parin naman ako :)
Bye world! :)
Nakakiyak naman ang photo na ito… :’) Ito ang gusto ko… :)
“Age 104 old man and his age 100 wife, they are poor, they have been married for 81 years and have never had a group photo. When the old lady dress up the wedding dress, old man so happy to hug his wife, and said his wife is so beautiful ~
Simple is not necessarily the best, but the best must be simple.
Happiness is that simple!”Meron talaga sa loob ng pinakamalalim na parte ng ating puso ang naghahangad ng ganitong pag-ibig… :) at hindi to imposible….
When something is toxic, it’s poisonous; it can destroy you. When we go around dwelling on the wrong thoughts, thinking about what we can’t do or how we’ll never get ahead, those thoughts are toxic thoughts. Toxic thoughts left alone become like toxic waste that sinks into your heart. It will eventually contaminate your whole life. It affects your self-image. It affects your attitude, your level of confidence, and ultimately, your success. That’s why the scripture says to guard your heart because the condition of your heart and mind determine the condition of your whole life.
When was the last time I cried for things that are valuable? When was the last time I prayed for other people’s concern? This morning I just realized that I’m always looking to my personal needs, concerns and issues. Always about me. Selfishness indeed.
I had my devotion this morning and it is really “sakto”
“Blessed is the man who perseveres under trial, because he has stood the test, he will receive the crown of life that God has promised to those who love him.
When tempted, no one should say, God is tempting me.” For God cannot be tempted by evil, nor does he tempt anyone. but each one is tempted when, by his own evil desire, he is dragged away and enticed. Then after desire has conceived, it gives birth to death.”
“Have some discretion for yourself” my cell leader told me once.
“Not everything you think or feel is for the public to see. I initially thought this was to hide my weaknesses. I realized that this is to make me walk with sanity and faith.”
Discretion is the right of someone to make choices or the quality of someone who is careful about what they do or say.
1. It makes you more mature to talk to someone rather than posting your helplessness on any media site (such as FB)
2. It keeps you from hurting people - kasama na rin si Lord
Tried and tested. Have some discretion for yourselves.
Miss na kita. Oo miss na miss na kita. For my 20 years of existence nasanay ako na lagi kang wala, natuto akong maging independent, gawin ang mga bagay na mag-isa na dapat sana kasama kita. Bilang na bilang sa mga daliri ko ung mga okasyon na dapat kasama kita. Marami ka sanang naririnig at nasasabi sa mga masasaya, malulungkot at mahahalagang araw ng buhay ko.
Tanggap ko naman kung ano yung sitwasyon natin. Nangyari na ang mga bagay bagay at wala na akong magagawa dun. Pinipilit ko naman intindihin ang lahat. Pinipilit ko na maging normal kahit may times na hindi naman. Nakakalungkot lang isipin na literal na hiwa-hiwalay tayo. Ang hirap lang na hindi kita kasama pero iniintindi ko yun kasi may pamilya ka na.
Nalulungkot ako na habang lumilipas ang taon mas dumadalang ang pag-uusap at pagkikita natin. Naiinggit ako sa iba kasi may “mama” talaga silang napaka-hands on sa mga anak. Napaka-supportive, maasikaso, maalaga etc. Yung iba halos everyday inaalam kung kumusta na anak nila, laging tini-txt at sinasabihan na mag-ingat. Yan yung mga simpleng bagay na gusto ko talaga. Minsan nasasabi ko na lang “sana ganyan din si mama.” May sama ako ng loob pero pinaparamdam ko na okay lang ang lahat, ikaw mama ko e, ikaw barkada ko. Nauunawaan ko naman sitwasyon natin kaya kahit hindi ka nakakatulong financially okay lang, pero ayun sana kahit moral support na lang.
Alam ko may reason kung bakit hindi ka nagpaparamdam kaya iintindihin parin kita:) Twice in a year lang halos tayo magkita, pahirapan pa makasama ka lang every christmas samantalang diyan ka lang naman sa Bulacan. Kaya nalungkot ako ng malaman ko na pupunta na kayo sa malayong lugar. Naisip ko lang, suntok na ata sa buwan na makasama kita ng madalas. Ngayong December makakasama kaya kita? Sobrang miss na kita. Napaka-showy ko sayo kahit nakokornihan ako pero para sayo gusto ko iparamdam na kahit marami kang pagkukulang ay mahal na mahal kita :) Iintidihin ko lahat. Miss na kita ma :(